Easter: Time again to Share God’s gifts

Filipinos are known for truly valuing their faith and living it in their daily lives. This is probably why one of the first orders of business when a Filipino goes abroad, or anywhere for that matter, is the search for a church.

It is also quite the order of business to find ways to help

12400809_10203502276437177_8854570508586025385_n

Kain po!

people in need. That seems part of being Filipino as well. Ondoy, Yolanda, at iba pa, parating nagkukumahog tumulong ang mga Pilipino sa ibang bansa kahit hindi nila kilala ang mga natamaan ng kalamidad. That’s the way it’s supposed to be. There’s no such thing as helping only people from your church or subgroup. When there’s a disaster, a true Filipino will help whoever needs it.

But what about those times when there is no disaster? Some people seem to forget that help is also needed and appreciated even if times are relatively safe and peaceful.

This is the case with Pastor Jun Sibuma’s church. Just like many churches, this one relies heavily on the support of the immediate community and those who go there to worship. As you can expect, there are times when things can get tough and celebrating God’s blessings can be in danger of being compromised.

Lahat naman tayo naranasan natin ito kahit papaano. Birthday na walang handa. Pista na walang lechon pero okay lang. At least may spaghetti o pansit. Wag na lang Pan de Amerikano. Pan de Sal na lang.

Familiar situation?

Fortunately for Jun Sibuma of the Glorious Church of the Nazarene in Dasmariñas, Cavite, he had a good classmate in his elementary years with whom he has kept in touch. Tonet Ramos is a Resolution Specialist based in Sacramento, California. Pastor Jun says of Tonet: “We chat often that’s why every time she has a plan to give anything, she always sends a message (first). Basta sinabi nya gagawin nya. Kilalang-kilala ko s’ya napakabait n’yan.”

10312592_10203491953219103_6994391541135904411_n

Church members getting the goodies using their BeamAndGo gift certificates

Tonet thought of looking for people who could give her some help in passing on some goodies to her friend and his church. It was in this way that she learned of BeamAndGo CEO, Jonathan Chua. She was impressed not only by what Jon was doing, she was also quite impressed with the platform to make things easier and safer for OFWs to send support back home – BeamAndGo. Tonet mentioned her concerns to Jon who helped her set up her account and making sure she didn’t have any problems. Later on though, browsing the site on her own, Tonet saw how easy it was to get things done with the BeamAndGo site.

This case was rather unique for BeamAndGo since this was not a case of an OFW sending support to a family member. It was someone who wanted to ensure that her help and expression of the Christian spirit of giving was sure to get through. Times of giving can both be a wonderful yet emotionally draining experience for an OFW who learns that the well-packed boxes of goodies for their loved ones can get to the family home opened and lacking contents.

1924180_10203491914058124_5576820175372070146_n

Siyempre hindi kumpleto ang party pag walang candy!

Buti na lang kay Pastor Jun, walang ganoon dahil sa BeamAndGo.

“Iyong transaction napakadali at walang kahirap-hirap. Basta sinabi mo gift check sa BeamAndGo, aasikasuhin agad.”

They got all the stuff conveniently in Super 8 in Dasmariñas, Cavite and when he was asked to describe how he and his church members reacted upon getting the gift certificates from BeamAndGo and when they finally were able to claim all the goods, his response was simply, “Happing-happy. Masayang-masaya.”

Jun adds that, “Mga ilang taon na rin s’yang nagbibigay sa amin. Basta mayroon si Tonet. Hindi madamot at sobrang bait ‘yan kaya maganda ang ugnayan ng church kay Tonet. Kumare ko, classmate ko, at friend kong super generous yan at marami syang tinulungan.”

Jun sent his classmate a message as soon as he received the GCs, which was a very short time after Tonet sent them, and also after his group was able to get the goods from their neighborhood Super 8. He also praised the excellent all-around service given to him from the beginning to the end of the transaction.

The spirit of sharing throughout the year

The Filipino is a person who shares and this is easily seen in this story. Tonet is a person who has been blessed and she shares these blessings with friends like Pastor Jun.

While many of us do send our loved ones back home material expressions of our love in every grocery bag, medicine, insurance plan, etc., perhaps it’s time that we go beyond the family. There are others who also need our help and BeamAndGo will make sure that your help gets to them in the best possible way.

Now that we’re in the Easter season, we commemorate  Christ’s suffering and celebrate His resurrection. With something this special, isn’t it time to send your loved ones and those who need it most something they can truly enjoy together?

Punta na sa BeamAndGo website and let the sharing begin!

934075_10203514815550647_2249514812621865588_n.jpg

Kain na!

********************

If you want to give BeamAndGo a try, don’t forget to sign up for your free account at www.beamandgo.com. Avail of a 7% discount on your first transaction by using the promo code: BNG7 on the payment page.

BNG7

Have a solemn Holy Week, Beamers!

Advertisements

The Power of Women

BeamAndGo believes profoundly in the power of women and how our sisters, mothers, and friends contribute concretely and positively to our combined future. This faith was shown to be nothing less than true when recently, two days before the world celebrated International Women’s Day last March 8, a march was held in Edmonton in Alberta, Canada with the support of no less than 40 Filipinos.

womens2-300x205

Litrato mula sa Inquirer.net

Ano ang sigaw nila? Bigyan ng mas mabuting serbisyo at pangangalaga ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa lalo pa ang mga kababaihan. Tulad ng marami dito sa Pilipinas, sawa na sila sa mga pangakong napapako. Sawa na rin sila sa mga artistang walang puhunan sa halalan kundi ang kanilang kasikatan sa pinilakang tabing.

“Voters really need to reflect and understand who they’re really voting for,” sabi ni Clarizze Truscott,pangulo ng Kabisig Society sa Fort Saskatchewan sa Canada sa isang panayam sa Inquirer.net.

Dagdag pa niya, “A huge source of income for the Philippines is OFW remittances. People should be reflective and vote for candidates who will serve OFW interests and who will provide them with protections (sic) and support…not just lip service as we’ve seen so many do.”

Maraming mga binubunong isyu ang mga kababayan natin sa Canada. Siyempre pa, nandiyan na ang katotohanang they had to leave their husbands and children behind to give them a better future. Hindi biro-biro iyon. Bukod pa doon, mas mahirap pang umuwi sa Pilipinas kung ikukumpara sa mga kapatid natin sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, atbp.

Related: Experiencing Filipino Warmth in Cold Canada ; Kwentong Beamer: Kanya-kanyang kwento ; 多謝: Salu-salo ng mga OFWs sa Hong Kong!

6a00d8341c570653ef0120a625d928970c-600wi

Litrato ni Sidney Snoeck

Marami rin sa kanila ang hindi pa permanent resident sa Canada at alam na alam nila ang takot na baka mawalan ng trabaho at mapilitang pauwiin ng Canadian government. Sa ngayon, may mga hindi mabigyan ng PR status at di nila malaman ang dahilan. Dahil dito, no choice kundi uwi na lang. Wala tuloy ang planong pagtulong sa pamilya.

Halimbawa, may isa tayong kababayan na hindi naging PR doon dahil daw sa “medical inadmissibility”. Para sa kanya, ano raw ang ibig sabihin noon? Bakit may ganoon? Kasi autistic ang anak niya. Ang lungkot at nakababasag naman ng puso na iyon pa ang ginamit na dahilan sa kanya.

Kaya nga hinihimok nila ang lahat, lalo pa ang mga kapwa OFW at ang mga pamilya nito na maging totoong mapanuri sa kanilang pagpili ng kanilang mga iboboto. Hindi na puede ang bastang sikat lang o yung nagsasabi parati ng maglilingkod daw sa masa pero wala pa namang nagagawa.

Mahalaga naman talaga ang pagboto at ang pagboto nang tama at totoong napag-isipan. Panahon na talaga na hindi lang matuwa sa dating artista o boksingero. Kailangang tanungin ang sarili: Alam kaya nito ang trabaho ng isang Presidente? Ng Bise Presidente? Ng Senador? Kongresista? Mayor? Councilor?

Hindi basta-basta ang Pinoy

Sabi ng Merryn Edwards, isa sa mga nag-ayos ng 92876381_2331bd0104marcha sa Canada, na mismong mga Pilipina ang nagpamulat sa kanya sa kahalagahan ng kilos politika. Ipinaliwanag niya na ipinapasa lang sa balikat ng mga Pilipinang “live-in caregiver” ang responsibilidad ng pag-aalaga sa mga bata o matanda. Wala naman sanang problema iyon kung hindi nga lang ba dahil sa uri ng trabahong ito, para na rin silang second-class workers at hindi lahat ng karapatan na binibigay sa ibang nagtatrabaho ay ibinibigay rin sa kanila. Para kay Edwards, hindi ito nakabubuti sa kahit kanino – Pilipino man o Canadian.

Ikaw? Ano ang kilos na maaari mong gawin para sa higit na ikabubuti ng kapwa Pilipino? Hindi na panahon ng pagiging makasarili. Panahon na ngayon para isipin ang kapakanan ng bayan at ng kapwa tao.

Baka naman sinasabi ninyong busy kayo o ano ba ang magagawa ng isang katulad mo. Tandaan: Ang mga Pilipinang nagpamulat sa Canadian na si Merryn Edwards ay mga kapwa Pilipino, mga caregiver na tulad rin nating lahat.

Ano nga ba ang maaari mong magawa? Una, may ilang linggo pa bago maghalalan. Pag-usapan na kasama ng mga kaibigan kung anu-ano ba ang mahahalagang dapat sana’y pinagtutuunan ng pansin ng mga kandidato. Anu-anong isyu ba ang tinututukan ng mga kandidato mo? May tinututukan ba siya? Baka naman puro, “Gusto kong maglingkod sa masa!” o “Panalo ang masang Pilipino!” lang ang kayang sabihin.

Simple lang naman e: Sa bawat problema, may pagsubok ng lunas. Kahit magkamali sa solusyon (okay lang magkamali) at least dapat may plano ang kandidato mo. Marami diyang mahilig magsalita na gusto nilang tulungan ang mahihirap. Sinagot na ba niya kung paano?

Pagkatapos noon, subukan ninyong tignan kung totoo ba ang mga sinasabi nila. Halimbawa, sa Presidential Debates, may isang nagsabi na gusto niyang magkaroon ng mga agri-industrial zone para sa mga magsasaka. So, iisipin mong “Ay, oo. Tama nga naman.” Pero, hindi niya sinabing lampas na sa dalawampu ang mga agri-industrial zone ang meron ngayon sa buong bansa. Hindi naman yata fair.

thediplomat_2015-04-16_11-46-18-386x257

O, hindi naman puro Facebook na lang. Puede tayong mag-usap ng mahahalagang bagay.

Iba na ngayon

Dati, puro mga lalaki lang daw ang dapat nag-uusap tungkol sa politika. Tapos na ang panahon na iyon. Yesterday’s news na iyon. Sino ba ang malaki ang naitutulong ngayon sa pangangalaga ng pamilya? Di ba ikaw? Dahil doon, malaki ang karapatan mong pumili ng mga pinuno natin at magreklamo sa kanilang kakulangan.

Panahon na, babae. Makialam ka. Now na.

***********

For more Philippine politics and election-related discussions relevant to OFWs globally, these previous articles by BeamAndGo may interest you:

Lowering taxes and preventing another Balikbayan Box controversy

The Right to Suffrage or Suffer

Ayan. Nagsalita na sila. The Philippine Presidential Debates

Who can you trust? 6 things Filipinos want in our next President

Beamer from Bicol? Para sa indo ini!

Mga kaibigang Bicolano! Saan ka man naroroon, mas sigurado at ligtas na ngayon ang pagpapadala ng tulong sa mga minamahal ninyo sa buhay! Members of BeamAndGo, ang ating mga magaganda at magigilas na mga Beamer, you can now send everyday needs and goodies to their family through our partnership with Liberty Commercial Center (LCC). Ang matagal na ninyong inaasahan at pinagkakatiwalaang LCC ay ang panibagong offer namin sa pagtulong sa inyong mga minamahal na nakatira sa Bicol.

lcc DS logo.jpg

Hindi lang iyon. Dalawang uring BeamAndGo gift certificate and pwede ninyong bilhin para malinaw sa inyong pamilya kung sa LCC Department Store ba sila pupunta o sa LCC Supermarket. Malabo naman yatang may bitbit silang bayong kung bibili ng damit para sa graduation di ba?

Related: did you know that BeamAndGo has more to offer than just supermarkets? Click here to find out

At totoo namang ang ganda ng ating timing ano?

Daraga

LCC Branch in Daraga

Maulan nananman sa Pilipinas at for sure, may mga kakailanganin ang pamilya mo pang-handa. Wala kang dapat katakutan kung gusto mong pagpadala ng pagamahal sa mga mahal mo. Bili lang ng LCC gift certificate sa BeamAndGo at siguradong ligtas at sigurado ang kanilang magiging pagbili.

Related: Kung BeamAndGo member ka na, silip ka muna uli sa ating website para ma-review mo kung anu-ano nga ba ang mga pinadadala mo.

Pero sandali. Bakit nga ba dalawang uring GC ang pwede mong mabili para sa LCC? Dahil pinagsikapan ng LCC mula pa noon na makapaglingkod nang lubusan sa inyo, meron silang department store at supermarket. Kailangan ba ng gagamitin para sa salu-salo? Sa supermarket ka. Kung kailangan naman ng mga kagamitan at mga kapote o payong, sa department store meron niyan lahat!

SMR Banner

Hindi na bago sa buong Bicol ang LCC. Matagal na itong pinagkakatiwalaan at unang nagbukas ng kanyang mga pintuan noon pang 1945. Noon pa nito naipagmamalaki na kabisado nila ang pusong Bikolano sa kanilang paglilingkod, serbisyo, at sa katotohanang madali silang mapuntahan. Para sa kanila mahalaga ang buhay pang-araw-araw ninyo kaya pinagbubuti nila ang paglilingkod nila para espesyal ang inyong araw-araw. Di ba? Parang parati na lang piyesta.

Dahil dito, tunay na pinagkakatiwalaan sila sa buong Albay at sa kabuuan ng kabikulan!

Game! Paano ba ito gawin?

Sigurado kaming maraming gustong maging Beamer ngayon sa pagsama sa atin ng LCC. Kung hindi ka pa Beamer, o may kilala kang gustong maging Beamer at nais mo siyang tulungan, eto, pag-usapan naman natin kung paano nga ba magpadala sa Pilipinas.

Una, kailangan kang maging member ng BeamAndGo.

Mag-Sign Up sa aming website at sagutin ang mga tanong doon. Kailangan kumpleto ito.

Screen Shot 2016-03-10 at 17.16.38

Halina at mag sign up na.

Pag member ka na, pwede ka nang bumili ng digital gift certificate. Piliin mo muna sa website ang Groceries (kapag LCC Supermarket ang nais ipadala) at Department Store (kapag LCC Department Store naman ang gusto nila). Click ka doon. Tapos, kailangan mong piliin sa susunod na screen kung saan mo planong magpadala ng gift certificate. Dahil Bicol ang pinag-uusapan natin, click mo ang Bicol Region. Makikita mo naman ang LCC sa mga puedeng mong piliin. Ngayon naman, isipin mo lang kung ilang Php 500 gift certificate ang ipapadala. Siyempre, hindi naman isa lang ang pwede mong bilhin. Puede ang isa, pero mas happy ang lahat kung mas marami! Kung lampas sa isa, pindotin mo ang Quantity para dumami. Tapos, pili ka ng padadalhan mong tao. Cell phone number niya ang kailangan mong ilagay. Kung nagawa mo na ito dati, nakalista na ang mga dati mong napadalhang cell number.

Kung tapos na iyon, bayad na. Maraming payment option na puedeng gamitin. Tandaan lang na may kaunting convenience charge ang BeamAndGo na USD 1.99. Pag nakapagbayad ka na, magpapadala kami ng SMS sa napili mong cell number na padadalhan. Para sigurado, mag-email ka o mag-text sa pinadalhan mo kung nakuha niya ang text message namin.

Once nakuha na niya ito, pwede na siyang pumunta sa LCC!

Ipakita lamang ang SMS sa mga sumusunod na LCC Redemption Centers:

LCC Legazpi- Peñaranda St,. Legazpi City

LCC Naga – Felix Plazo St., Naga City

LCC Tabaco- Ziga Avenue Tabaco City

LCC Sorsogon- Magsaysay St., Sorsogon City

LCC Masbate- Zurbito St., Brgy. Bapor, Port Area, Masbate City

LCC Market Plus Daet- Barangay 6 Market Site, J. Lukban St., Daet Camarines Norte

 

IMG_9678Pagkatapos ng confirmation sa tauhan nila, maari na mamili ang iyong kamag-anak sa kahit alin na LCC Supermarket (LCC Expressmart, Market Savers at Store Plus ay kasama rin) para magamit ang Supermarket GC at sa kahit alin na LCC Mall Department Store para sa Department Store GC.

Ang serbisyo na ito ay tiyak na mae-enjoy ng mga mahal mo sa LEGAZPI, TABACO, NAGA, PILI, LABO, DAET, GOA, IRIGA, NABUA, POLANGUI, LIGAO, GUINOBATAN, CAMALIG, BACACAY, TIWI, SORSOGON at MASBATE.

Okay na? Punta na sa BeamAndGo website at magpadara na kamo sa inda!

*************

Click here to send LCC SUPERMARKET GCs

Click here to send LCC DEPARTMENT STORE GCs

(For the complete list of LCC participating branches, visit their website!)

Kwentong Beamer: Kanya-kanyang kwento

Unang Yugto

Nagsimula tayo nitong nakaraang buwan sa ating Kwentong Beamer. Nakita natin ang kanilang mga adhikain, mga alalahanin, at ang kanilang dahilan para ng pag-alis ng Pilipinas. Sino nga ba naman ang gustong iwan ang kanyang pamilya?

Ngayon, babalikan natin sila. Sabi nga ng ating pamahalaan, sila ang mga bagong bayani ng ating bayan. Kayong lahat actually. Sa susunod, baka ikaw naman ang maipakita natin sa lahat. Payag ka ba? Sabi ka lang. Gusto naming marining ang kwento mo.

Ang baguhan: Lotlot Jardin

Kaya mo bang hindi makauwi sa mga magulang mo ng Lotlot Jardin (resize)tatlong taon? Hindi biro-biro iyon. Ganyan nga ang naging pagtitiis ni Lotlot Jardin na tubong Quezon.

Good thing for her, she’ll be coming home this month and will be staying for two whole weeks. “Excited na ako makita (ang) pamilya ko.”

Single pa rin si Lotlot; walang asawa’t anak pero sinusuportahan ang magulang pati na ang isang pamangkin na ulila na sa magulang. Sila ang mga dahilan niya para pumunta ng Hong Kong at doon makipagsapalaran. Pero, awa naman ng Diyos, marami siyang nakilalang mga kaibigan kaya masaya naman siya. Things have been really good for her in Hong Kong.

Right now, she’s really looking forward to seeing her parents and her siblings: “Sa aking mga mababait na kapatid, magkikita tayo sa March 2016. Wag kayo mag-alala, maganda parin ako walang kupas. Okay lang ako dito kahit malamig. Miss na miss ko na kayo.”

Apat nang taon: Si Laarni Gonzales

Laarni Gonzales (resized)Kung tutuusin, baguhan pa lang si Laarni sa Hong Kong. Apat na taon pa lang siya doon. Dalawang beses na siyang nakakauwi mula nang dumating at nagsimulang magtrabaho. Yun nga lang, parang parating bitin ang pagbisita sa Pilipinas kasi tig-isang linggo lang parati. Parang kulang no?

Pero malinaw naman din kasi sa kanya ang kanyang pag-alis parati: “Bumabalik agad at kumakayod para sa pamilya. Nag-Hong Kong ako to secure my family’s future at tsaka para matulungan ko ang pamilya ko.”

Mahirap pa rin pero mas napapagaan ang pakiramdam kung alam mo kung para saan ang paghihirap mo.


Ang Negrense na 20 nang taon sa HK: si Melinda

Apat na taong pagitan bago mo makita ang anak mo. Wow. That is not easy, right?

Melinda (resized)Pero sa tulad ni Melinda, isa ito sa mga kailangang gawin. Dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Hong Kong at tulad ng maraming nagtatrabaho doon, pumunta siya doon para sa kapakanan ng kanyang mga anak na sina Princess at Zania.

“Namimiss ko na sila pero wala akong magagawa kasi kailangan ko maghanap ng pera. Dati every year ako ummuwi pero ngayon mas strict na.”

Fortunately for Melinda, the less frequent trips back home was also rewarded – She now gets to go to different countries like the US, Japan Korea, and others because she’s working with a famous actress and model. For this month, she’ll be going to the US and Australia. How’s that for luck? Swerte no? Siguradong mas maraming magiging pasalubong sina Princess at Zania.

Masipag na Masbateño: Merlinda Gallares

Anim na taon na sa Hong Kong itong Masbateñong ito. Mahirap ang buhay sa Masbate at Merlinda Gallares (resized)kahit mismo sa Maynila, marami pa ring mga pagsubok. Ito ang dahilan kung bakit siya lumipad patungong Hong Kong. Mahirap sa isang ina ang iwan ang kanyang mga anak at parati ang turok ng katotohanang ito sa puso ni Merlinda sa bawat sandaling makakausap niya sa chat ang apat na anak na sina Kaye, Kim, Kean, at Karen – ang kanyang 4Ks. Kung maging malungkot man o magkasakit ang isang anak, hindi niya ito maaaring bigyang aliw o ginhawa.

Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak at patuloy niyang pinagsisikapan ito. Dahil dito, tinitiis niya ang pag-uwi ng minsan lang sa isang taon para mas makaipon para sa pangangailangan ng mga anak.

Ewan na lang sa lahat ng mga sinasabing naglilingkod sa bayan ngayon, ang mga tulad ni Merlinda ang mga tunay na bayani.

Ano ang kwento mo?

Sigurado kaming may sarili ka ring kwento. Sa Hong Kong, Singapore, Middle East, o saan ka man, gusto naming marinig ang kwento mo. Share mo naman sa amin.

Masubukan nga! OFWs buy their groceries in Davao

The head honchos at BeamAndGo have been hearing a lot of good things about your experiences sending good stuff to your loved ones. Since we also want to have some of that fun, CEO Jonathan E. Chua and SVP Albert Christian Go made their way to the Davao City Gaisano Mall (GMall), and tried to act like they were the recipients of an OFWs love and concern.

Bago pa namin ibahagi ang magandang kwento sa GMall, our question is, are you already a member of BeamAndGo? Wala pong bayad ang registration at lagpas 80,000 OFWs na ang binibigyan namin ng tulong at karagdagang alaman sa wastong paraan ng pagshopping sa grocery.

Ano pa ang hinihintay niyo? Halina at mag register sa BeamAndGo 

IMG_9632

Albert and Jon with our friends from GMall

Sabi nga ng mga signage sa pagdating pa lang nila, “Davao: Life is Here.” Oh, di ba? Mukhang fun nga talaga sa simula pa lang.

Pagdating nila ng GMall, kita kaagad nila ang dami ng mga pagpipilian. When we chose our partners, we made sure that you, our members would have the best choices available. That’s why we have GMall for all you guys.

Related: did you know that BeamAndGo has more to offer than just supermarkets? Click here to find out

Jon took the lead by going around the spacious and very

IMG_9656

Mukhang gustong gumawa ng banana que ni Jon.

clean shopping area. He took a basket and started getting the good stuff! Ano ang kinuha niya? Ano pa? Pilipino pa rin iyan kaya dapat may spaghetti at saging!

Si Albert naman, feeling healthy kaya mga gulay muna ang tinutukan. Siyempre pa, sariwa lahat ang hain ng GMall dito at sobrang matulungin pa ang mga tao.

IMG_9640

Gulay, gulay, gulay

Ewan lang pero may plano atang magluto itong dalawang lalaking ito. Biro lang yan! Ang binili nilang groceries ay para sa mga OFWs katulad niyo – ang OFW Watch.

Pagkatapos ni Jon mamili, eto na ang pinaka-test: Pumunta na siya sa kahera para tignan kung ano nga ba ang mga nararanasan ng mga mahal ninyo sa buhay pag namimili sila gamit ang tulong ng BeamAndGo. Siyempre pa, sobra nang dali nga, ang sarap pang malaman na talagang matulungin ang mga taga-GMall. Ipakita mo lang ang cell phone mo kung saan nandoon ang digital gift certificate na galing sa BeamAndGo, solb ka na!

IMG_9678

Ang mahiwagang BeamAndGo digital gift certificate

Tulad ng lahat ng tao, takot din si Jon at Albert na hindi magamit nang maayos ang pera nila kaya gusto talaga nilang subukan kung paano nga ba bumili ng mga pangangailangan gamit ang sistema namin.

IMG_9723

Ayan. Nakapamili na. Happy-happy na!

Kung dati, enjoy kaagad pag Davao ang pinag-uusapan, mas lalo pa ngayon! Sigurado ka nang mapagkakatiwalaan mo ang mga merchant ng BeamAndGo tulad ng GMall na may 5 branches sa Mindanao (General Santos, Digos, Toril, Tagum, and Davao) . Patuloy pa kaming nagdaragdag ng mga bago kaya sabihin na ninyo rin sa amin kung ano ang mga supermarket, department store, o mall diyan sa inyo. Kung wala pa sila sa BeamAndGo, makaaasa kayong hindi magtatagal, mga Beamer na rin sila.

O, kapwa Beamer, padala na sa Pilipinas! Punta na sa BeamAndGo at magsimula na sa pagshopping!