Beamer from Bicol? Para sa indo ini!

Mga kaibigang Bicolano! Saan ka man naroroon, mas sigurado at ligtas na ngayon ang pagpapadala ng tulong sa mga minamahal ninyo sa buhay! Members of BeamAndGo, ang ating mga magaganda at magigilas na mga Beamer, you can now send everyday needs and goodies to their family through our partnership with Liberty Commercial Center (LCC). Ang matagal na ninyong inaasahan at pinagkakatiwalaang LCC ay ang panibagong offer namin sa pagtulong sa inyong mga minamahal na nakatira sa Bicol.

lcc DS logo.jpg

Hindi lang iyon. Dalawang uring BeamAndGo gift certificate and pwede ninyong bilhin para malinaw sa inyong pamilya kung sa LCC Department Store ba sila pupunta o sa LCC Supermarket. Malabo naman yatang may bitbit silang bayong kung bibili ng damit para sa graduation di ba?

Related: did you know that BeamAndGo has more to offer than just supermarkets? Click here to find out

At totoo namang ang ganda ng ating timing ano?

Daraga

LCC Branch in Daraga

Maulan nananman sa Pilipinas at for sure, may mga kakailanganin ang pamilya mo pang-handa. Wala kang dapat katakutan kung gusto mong pagpadala ng pagamahal sa mga mahal mo. Bili lang ng LCC gift certificate sa BeamAndGo at siguradong ligtas at sigurado ang kanilang magiging pagbili.

Related: Kung BeamAndGo member ka na, silip ka muna uli sa ating website para ma-review mo kung anu-ano nga ba ang mga pinadadala mo.

Pero sandali. Bakit nga ba dalawang uring GC ang pwede mong mabili para sa LCC? Dahil pinagsikapan ng LCC mula pa noon na makapaglingkod nang lubusan sa inyo, meron silang department store at supermarket. Kailangan ba ng gagamitin para sa salu-salo? Sa supermarket ka. Kung kailangan naman ng mga kagamitan at mga kapote o payong, sa department store meron niyan lahat!

SMR Banner

Hindi na bago sa buong Bicol ang LCC. Matagal na itong pinagkakatiwalaan at unang nagbukas ng kanyang mga pintuan noon pang 1945. Noon pa nito naipagmamalaki na kabisado nila ang pusong Bikolano sa kanilang paglilingkod, serbisyo, at sa katotohanang madali silang mapuntahan. Para sa kanila mahalaga ang buhay pang-araw-araw ninyo kaya pinagbubuti nila ang paglilingkod nila para espesyal ang inyong araw-araw. Di ba? Parang parati na lang piyesta.

Dahil dito, tunay na pinagkakatiwalaan sila sa buong Albay at sa kabuuan ng kabikulan!

Game! Paano ba ito gawin?

Sigurado kaming maraming gustong maging Beamer ngayon sa pagsama sa atin ng LCC. Kung hindi ka pa Beamer, o may kilala kang gustong maging Beamer at nais mo siyang tulungan, eto, pag-usapan naman natin kung paano nga ba magpadala sa Pilipinas.

Una, kailangan kang maging member ng BeamAndGo.

Mag-Sign Up sa aming website at sagutin ang mga tanong doon. Kailangan kumpleto ito.

Screen Shot 2016-03-10 at 17.16.38

Halina at mag sign up na.

Pag member ka na, pwede ka nang bumili ng digital gift certificate. Piliin mo muna sa website ang Groceries (kapag LCC Supermarket ang nais ipadala) at Department Store (kapag LCC Department Store naman ang gusto nila). Click ka doon. Tapos, kailangan mong piliin sa susunod na screen kung saan mo planong magpadala ng gift certificate. Dahil Bicol ang pinag-uusapan natin, click mo ang Bicol Region. Makikita mo naman ang LCC sa mga puedeng mong piliin. Ngayon naman, isipin mo lang kung ilang Php 500 gift certificate ang ipapadala. Siyempre, hindi naman isa lang ang pwede mong bilhin. Puede ang isa, pero mas happy ang lahat kung mas marami! Kung lampas sa isa, pindotin mo ang Quantity para dumami. Tapos, pili ka ng padadalhan mong tao. Cell phone number niya ang kailangan mong ilagay. Kung nagawa mo na ito dati, nakalista na ang mga dati mong napadalhang cell number.

Kung tapos na iyon, bayad na. Maraming payment option na puedeng gamitin. Tandaan lang na may kaunting convenience charge ang BeamAndGo na USD 1.99. Pag nakapagbayad ka na, magpapadala kami ng SMS sa napili mong cell number na padadalhan. Para sigurado, mag-email ka o mag-text sa pinadalhan mo kung nakuha niya ang text message namin.

Once nakuha na niya ito, pwede na siyang pumunta sa LCC!

Ipakita lamang ang SMS sa mga sumusunod na LCC Redemption Centers:

LCC Legazpi- Peñaranda St,. Legazpi City

LCC Naga – Felix Plazo St., Naga City

LCC Tabaco- Ziga Avenue Tabaco City

LCC Sorsogon- Magsaysay St., Sorsogon City

LCC Masbate- Zurbito St., Brgy. Bapor, Port Area, Masbate City

LCC Market Plus Daet- Barangay 6 Market Site, J. Lukban St., Daet Camarines Norte

 

IMG_9678Pagkatapos ng confirmation sa tauhan nila, maari na mamili ang iyong kamag-anak sa kahit alin na LCC Supermarket (LCC Expressmart, Market Savers at Store Plus ay kasama rin) para magamit ang Supermarket GC at sa kahit alin na LCC Mall Department Store para sa Department Store GC.

Ang serbisyo na ito ay tiyak na mae-enjoy ng mga mahal mo sa LEGAZPI, TABACO, NAGA, PILI, LABO, DAET, GOA, IRIGA, NABUA, POLANGUI, LIGAO, GUINOBATAN, CAMALIG, BACACAY, TIWI, SORSOGON at MASBATE.

Okay na? Punta na sa BeamAndGo website at magpadara na kamo sa inda!

*************

Click here to send LCC SUPERMARKET GCs

Click here to send LCC DEPARTMENT STORE GCs

(For the complete list of LCC participating branches, visit their website!)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s