BeamAndGo believes profoundly in the power of women and how our sisters, mothers, and friends contribute concretely and positively to our combined future. This faith was shown to be nothing less than true when recently, two days before the world celebrated International Women’s Day last March 8, a march was held in Edmonton in Alberta, Canada with the support of no less than 40 Filipinos.

Litrato mula sa Inquirer.net
Ano ang sigaw nila? Bigyan ng mas mabuting serbisyo at pangangalaga ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa lalo pa ang mga kababaihan. Tulad ng marami dito sa Pilipinas, sawa na sila sa mga pangakong napapako. Sawa na rin sila sa mga artistang walang puhunan sa halalan kundi ang kanilang kasikatan sa pinilakang tabing.
“Voters really need to reflect and understand who they’re really voting for,” sabi ni Clarizze Truscott,pangulo ng Kabisig Society sa Fort Saskatchewan sa Canada sa isang panayam sa Inquirer.net.
Dagdag pa niya, “A huge source of income for the Philippines is OFW remittances. People should be reflective and vote for candidates who will serve OFW interests and who will provide them with protections (sic) and support…not just lip service as we’ve seen so many do.”
Maraming mga binubunong isyu ang mga kababayan natin sa Canada. Siyempre pa, nandiyan na ang katotohanang they had to leave their husbands and children behind to give them a better future. Hindi biro-biro iyon. Bukod pa doon, mas mahirap pang umuwi sa Pilipinas kung ikukumpara sa mga kapatid natin sa Hong Kong, Singapore, Malaysia, atbp.
Related: Experiencing Filipino Warmth in Cold Canada ; Kwentong Beamer: Kanya-kanyang kwento ; 多謝: Salu-salo ng mga OFWs sa Hong Kong!

Litrato ni Sidney Snoeck
Marami rin sa kanila ang hindi pa permanent resident sa Canada at alam na alam nila ang takot na baka mawalan ng trabaho at mapilitang pauwiin ng Canadian government. Sa ngayon, may mga hindi mabigyan ng PR status at di nila malaman ang dahilan. Dahil dito, no choice kundi uwi na lang. Wala tuloy ang planong pagtulong sa pamilya.
Halimbawa, may isa tayong kababayan na hindi naging PR doon dahil daw sa “medical inadmissibility”. Para sa kanya, ano raw ang ibig sabihin noon? Bakit may ganoon? Kasi autistic ang anak niya. Ang lungkot at nakababasag naman ng puso na iyon pa ang ginamit na dahilan sa kanya.
Kaya nga hinihimok nila ang lahat, lalo pa ang mga kapwa OFW at ang mga pamilya nito na maging totoong mapanuri sa kanilang pagpili ng kanilang mga iboboto. Hindi na puede ang bastang sikat lang o yung nagsasabi parati ng maglilingkod daw sa masa pero wala pa namang nagagawa.
Mahalaga naman talaga ang pagboto at ang pagboto nang tama at totoong napag-isipan. Panahon na talaga na hindi lang matuwa sa dating artista o boksingero. Kailangang tanungin ang sarili: Alam kaya nito ang trabaho ng isang Presidente? Ng Bise Presidente? Ng Senador? Kongresista? Mayor? Councilor?
Hindi basta-basta ang Pinoy
Sabi ng Merryn Edwards, isa sa mga nag-ayos ng marcha sa Canada, na mismong mga Pilipina ang nagpamulat sa kanya sa kahalagahan ng kilos politika. Ipinaliwanag niya na ipinapasa lang sa balikat ng mga Pilipinang “live-in caregiver” ang responsibilidad ng pag-aalaga sa mga bata o matanda. Wala naman sanang problema iyon kung hindi nga lang ba dahil sa uri ng trabahong ito, para na rin silang second-class workers at hindi lahat ng karapatan na binibigay sa ibang nagtatrabaho ay ibinibigay rin sa kanila. Para kay Edwards, hindi ito nakabubuti sa kahit kanino – Pilipino man o Canadian.
Ikaw? Ano ang kilos na maaari mong gawin para sa higit na ikabubuti ng kapwa Pilipino? Hindi na panahon ng pagiging makasarili. Panahon na ngayon para isipin ang kapakanan ng bayan at ng kapwa tao.
Baka naman sinasabi ninyong busy kayo o ano ba ang magagawa ng isang katulad mo. Tandaan: Ang mga Pilipinang nagpamulat sa Canadian na si Merryn Edwards ay mga kapwa Pilipino, mga caregiver na tulad rin nating lahat.
Ano nga ba ang maaari mong magawa? Una, may ilang linggo pa bago maghalalan. Pag-usapan na kasama ng mga kaibigan kung anu-ano ba ang mahahalagang dapat sana’y pinagtutuunan ng pansin ng mga kandidato. Anu-anong isyu ba ang tinututukan ng mga kandidato mo? May tinututukan ba siya? Baka naman puro, “Gusto kong maglingkod sa masa!” o “Panalo ang masang Pilipino!” lang ang kayang sabihin.
Simple lang naman e: Sa bawat problema, may pagsubok ng lunas. Kahit magkamali sa solusyon (okay lang magkamali) at least dapat may plano ang kandidato mo. Marami diyang mahilig magsalita na gusto nilang tulungan ang mahihirap. Sinagot na ba niya kung paano?
Pagkatapos noon, subukan ninyong tignan kung totoo ba ang mga sinasabi nila. Halimbawa, sa Presidential Debates, may isang nagsabi na gusto niyang magkaroon ng mga agri-industrial zone para sa mga magsasaka. So, iisipin mong “Ay, oo. Tama nga naman.” Pero, hindi niya sinabing lampas na sa dalawampu ang mga agri-industrial zone ang meron ngayon sa buong bansa. Hindi naman yata fair.

O, hindi naman puro Facebook na lang. Puede tayong mag-usap ng mahahalagang bagay.
Iba na ngayon
Dati, puro mga lalaki lang daw ang dapat nag-uusap tungkol sa politika. Tapos na ang panahon na iyon. Yesterday’s news na iyon. Sino ba ang malaki ang naitutulong ngayon sa pangangalaga ng pamilya? Di ba ikaw? Dahil doon, malaki ang karapatan mong pumili ng mga pinuno natin at magreklamo sa kanilang kakulangan.
Panahon na, babae. Makialam ka. Now na.
***********
For more Philippine politics and election-related discussions relevant to OFWs globally, these previous articles by BeamAndGo may interest you:
Lowering taxes and preventing another Balikbayan Box controversy
The Right to Suffrage or Suffer
Ayan. Nagsalita na sila. The Philippine Presidential Debates
Who can you trust? 6 things Filipinos want in our next President