OFW Shopping Advice: ‘Wag mong bilhin yan!

Bilang isang OFW, ikaw nga ay nagpapadala ng Supermarket GCs using BeamAndGo, pero sinisigurado mo ba na nagagamit ito sa wastong mga bilihin? Nararapat lang na ang maging wais tayo sa ating mga gastusin bilang OFW. Ilan lamang ito sa mga remittance advice at shopping tips on what not to buy and their alternatives when grocery shopping in a supermarket.

Gusto mo o kailangan mo?

Bago pa man pumunta sa supermarket, ugaliing gumawa ng listahan ng mga kailangan sa bahay. Siguraduhing ang nasa list mo ay ang inyong household needs at hindi wants. This is a good way to spend under your budget and make better buying decisions sa pag-grocery shopping. Pagdating sa supermarket, unahing bilhin ang mga nakasulat sa listahan. Kapag may sobra pa sa budget, saka kumuha ng ibang mga bagay na gustong bilhin. Avoid impulse buying. Don’t buy items that aren’t on your list or those that will go over your budget.

Kung kailangan mo pa ng mas maraming tips kung paano mag-budget, punta lang dito.

Maramihan o tingi?

Mas mabuting bumili in bulk (maramihan) para sa mga produktong matagal mag-expire. Kadalasan, mas napapamahal kapag bumibili ng patingi-tingi. Kung in bulk at isahan ang pagbili, makakatipid tayo sa presyo mismo ng produkto at sa effort at gastos ng pagpunta natin sa supermarkets. Para sa mga bagay na hindi nabubulok o matagal mag-expire, do buy in bulk. Halimbawa, kung may sobra pa sa budget mo, ‘wag lang isang soap bar ang bilhin mo, bilhin mo na ang pack of 6. Nakatipid ka na, hindi ka pa pabalik-balik sa Supermarket.

IMG_9881

Pero kung ang bibilhin mo naman ay mabilis mag-expire, tulad ng gulay, prutas, karne, at iba pa, bumili lamang ng sakto para sa iyong pamilya para hindi ito masayang. Para sa mga bagay na nabubulok at/o mabilis mag-expire, do buy just enough.

Jenra_BeamAndGo_fruits

 

Healthy o junk?

May iilan sa atin na nakasanayang kumain ng junk food araw-araw, kahit na alam nating hindi ito maganda para sa kalusugan. Okay lang namang mag-indulge paminsan-minsan — everything in moderation. Kaya lang, don’t buy junk food on a regular basis.

Regular price o sale?

Madaling masilaw sa mga items na on sale. Iniisip kasi nating makakatipid tayo kapag bumili tayo ng mga gamit na naka-promo, pero mas madalas tayong napapagastos dahil sa mga ito. Don’t buy items on sale, if you don’t really need it. Kung hindi naman talaga kailangan, mas mapapagastos ka pa kapag bumili ka ng naka-sale, lalo na kung hindi pa ito kasama sa inyong grocery list.

More tips on making a budget, click mo lang ‘to!

Generic o sikat?

Isa sa ating mga values bilang Pilipino ay ang pagiging loyal, kasama na dito ang pagiging loyal sa mga brands ng mga produktong ating nakasanayan. We trust these “household brands” dahil sanay na sanay na tayo sa brand na ito, pero palagi tayong may mahahanap na alternatibong mas mura at mas sulit. Don’t always buy products from big brands you’re used to. Once in a while, makabubuting sumubok ng mga bago o hindi gaanong sikat na produkto, kasama na dito ang mga generic brands ng mga supermarket. Karaniwang mas mura ang mga ito pero ganoon parin ka-epektibo.

Cover Photo blog 3.jpg

Local o imported?

Iniisip kasi nating mas maganda ang quality ng imported products, pero sa katotohanan, pareho lang naman ‘yan! Minsan nga ay mas maganda pa ang mga produkto natin. Don’t buy imported products just because they are imported and do support local products. Kadalasan pa nga ay mas makakamura tayo, at makakatulong pa tayo sa negosyo ng ating mga kababayan kung bibili tayo ng gawang Pinoy.

Cover Photo blog

Kapag napadalhan mo na ng Supermarket GCs ang inyong mga kapamilya sa Pilipinas, i-share mo sa kanila ang article na ito! Sa susunod nilang punta sa BeamAndGo partner supermarkets, alam nila ang mga dapat bilhin at dapat iwasan.  

Para sa mga katanungan tungkol sa BeamAndGo digital gift certificates, you may contact us at customerservice@beamandgo.com.

merchants_supermarkets_beamandgo1